Sundalo na 4 dekada nang patay, hindi naagnas ang bangkay dahil sa anting-anting? (2025)

Nagulat at natakot ang mga taong nagbukas ng puntod ng isang sundalo na mahigit apat na dekada nang patay sa Pagadian City, Zamboanga del Sur para sana gamitin sa bagong ililibing sa puntod. Ang bangkay kasi ng sundalo na may anting-anting umano noong nabubuhay pa, buo pa rin.

Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” napag-alaman na ang naturang sundalo na si Bobby, binaril at napatay noong 1985.

Naulila noon ni Bobby ang kaniyang misis na si Victoria at apat nilang anak--kabilang si Vicky na ipinagbubuntis pa lang noon ng kaniyang ina kaya hindi niya nasilayan ang hitsura ng kaniyang ama.

Hanggang nitong nakaraang Marso, pumanaw ang kanilang ina na si Victoria dahil sa cancer. Plano sana nilang isama sa kanilang ama ang labi ng kanilang ina kaya nila pinabuksan ang puntod.

Isa sa mga naghukay ang manugang ni Bobby na si Joel Ybanez, na bumili ng karton at plastic dahil inaasahan nilang kalansay na lamang ang makikita niya sa loob ng puntod.

Ngunit nang buksan nila ang kabaong ni Bobby, nanlamig sila sa takot, nang makitang hindi pa rin naaagnas ang mga labi nito mula sa mukha hanggang sapatos, maging ang suot nitong uniporme.

Wala rin daw amoy ang bangkay kahit pa nakababad sa tubig.

Si Vicky na 39-anyos na ngayon, bagaman nagulat, natuwa rin dahil nasilayan niya ang hitsura ng kaniyang ama sa unang pagkakataon.

“Nagpasalamat talaga ako sa Diyos na buo pa siya mula ulo hanggang paa. Thirty nine years old na ako tsaka ko pa siya nakita na ganiyan ang hitsura niya,” sabi ni Vicky.

Hinala ang mga naulila ni Bobby, ang anting-anting nito noon na isang libreta na naglalaman ng mga orasyon, ang dahilan kaya hindi nabulok ang kaniyang bangkay.

Paliwanag ng isang kaanak kung bakit namatay si Bobby gayung mayroon itong anting-anting, dahil tumama umano ang bala sa ilong nito at wala nang ibang lalabasan.

Pero nasaan na ang naturang anting-anting?

Bago pa man mapaslang, ibinigay umano ni Bobby sa asawa ng hipag niya na si Esmeraldo, ang naturang libreta bilang proteksyon.

Nang pumanaw si Esmeraldo dahil sa cancer noong 2015, ang anting-anting, inihabilin naman daw sa isa sa kaniyang mga kapatid.

Pero ang libreta, sinunog na ni Victoria dahil hindi ito naniniwala sa mga anting-anting bilang Kristiyano.

“Marami mga tao ang nag-aakala na ang mga anting-anting ay nakapagpapalalim ng kanilang pananampalataya. Ang paniniwala po sa mga anting-anting ay isang bagay na hindi po iminumungkahi ng simbahan,” ayon sa pari na si Reverend Father John Paul Jickain.

Ngunit bakit hindi nabulok ang katawan ni Bobby?

“Hindi lahat ng katawan ay mape-preserve ng 40 years. ‘Yung strength o ‘yung tapang ng pagtimpla ng formalin solution is a factor para mas tumagal ‘yung proseso ng preservation,” paliwanag ni James Patrick Obejera, Presidente ng Professional Embalmers Association of the Philippines Inc.

“Hindi naman kasi ito namatay due to a septic or infectious process. Maganda ‘yung pangangatawan nito, masikip ‘yung damit na suot nito. Noong time na nilibing siya, hindi na-expose, cold and moist environment. Ito ‘yung mga nag-contribute kaya hindi tuluyang naagnas ‘yung katawan,” sabi naman ni Dr. Alex Angelo Sulit, isang forensic pathologist.

Si Vicky, iniisip na lang na may ibang dahilan ang Diyos kaya hindi naagnas ang katawan ng kaniyang ama, at baka hinihintay lang ang kaniyang ina.

Bilang paggalang, hindi na ginalaw ng pamilya ang mga labi ni Bobby, at doon na lamang ipinatong ang kabaong ng kaniyang misis na si Victoria. -- FRJ, GMA Integrated News

Sundalo na 4 dekada nang patay, hindi naagnas ang bangkay dahil sa anting-anting? (2025)
Top Articles
Latest Posts
Recommended Articles
Article information

Author: Melvina Ondricka

Last Updated:

Views: 6272

Rating: 4.8 / 5 (48 voted)

Reviews: 95% of readers found this page helpful

Author information

Name: Melvina Ondricka

Birthday: 2000-12-23

Address: Suite 382 139 Shaniqua Locks, Paulaborough, UT 90498

Phone: +636383657021

Job: Dynamic Government Specialist

Hobby: Kite flying, Watching movies, Knitting, Model building, Reading, Wood carving, Paintball

Introduction: My name is Melvina Ondricka, I am a helpful, fancy, friendly, innocent, outstanding, courageous, thoughtful person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.